22 - Social Media: The Good and The Bad

Published: Oct. 6, 2019, 7:34 p.m.

FOMO ka ba? Or Fear of Missing Out? Masasabi mo bang addict ka na sa pag-gamit ng social media apps? Ang libro daw kapag binasa mo at nakarating ka na sa dulo, titigil ka na sa pagbabasa kase alam mong tapos na - meaning, may hangganan. Ang social media on the other hand ay may katangiang tinatawag na "endless" or "infinite scroll" - sa madaling salita, walang katapusan. Kaya 'wag ka magtaka kung bakit minsan hindi mo namamalayan na isang oras ka na palang scroll ng scroll sa social media app kahit na ang pakay mo lang nung una ay mag check lang ng notif or ng message. May iba pa bang factors kaya addicting ang social media? #CoffeeNaLangDear #CNLD #PinoyPodcast #PodcastPH