Teka Muna

Published: June 12, 2021, 12:53 p.m.

b'

May mga nagawa kang alam kong hindi pa maaring gantihan. 

\\n

Hindi dahil sa hindi kaya kundi sa kadahilanang magulong tao pa ako sa ngayon.

\\n

May mga nakaraang nagturo sakin ng masasakit na leksyon.

\\n

Hindi ikaw ang may gawa nito. 

\\n

Hindi ko rin sinisisi ang mga nauna sayo. 

\\n

Sadyang habang nadaragdagan ang numero sa buhay ng tao ay mas lalo itong nagiging komplikado. 

\\n

Ang gusto ay biglang ayaw na, at ang mga dahilan minsan ay hindi na rin malaman. 

\\n

Ang madali ay nagiging mahirap hanggang sa hindi na lang susubukan. 

\\n

Magsisimula ngunit mawawalan ng ganang tapusin. 

\\n

Sasabihin sa sariling \\u201chindi ito para sa akin.\\u201d

\\n

Hindi ako umaayaw. 

\\n

Ayoko lang masayang. 

\\n

Hindi ko isinasara ang pagkakataong subukan ito lalo na kung ikaw ang kapareho. 

\\n

Sadyang hindi pa lang talaga ito ang tamang panahon para sakin. 

\\n

Ako ang magiging \\u201cmagandang umaga\\u201d mo at ikaw ang magiging paboritong takip-silim. 

\\n

Ikaw ang magiging lilim sa tanghali pero sa ngayon, huwag lang muna tayong magmadali.

\\n


'