NAGMAMADALING nagsuot ng pantalon at lumabas ng cubicle si Kiko.
\nKalalabas pa lamang nina Ipe sa banyo. Dala na ni Deo ang supot na kinalalagyan ng kamera. Marahang binuksan ni Kiko ang pinto ng banyo. Umi-squat si Kiko sa sahig bago sumilip sa maliit na siwang ng pinto. Sa bandang ilalim siya sumilip para hindi siya makita kung mayroon mang nakaharap sa pinto ng banyo.
\n