Book 1 Chapter 3
\nPARA SA MGA BATA, si MIKE Rodrigo, ang ama nina Gino at Jo, ay isang inspirasyon sa propesyong nais nilang tahakin. Lubha kasing makulay at punung-puno ng adventure ang propesyon ng ama nila. Lalo na kung nasaksihan nila ang pagsasadya sa bahay ng mga dating kasamahan ng ama sa pulisya. Humihingi ang mga ito ng tulong para maresolba ang kasong hawak na nababalutan ng misteryo.
\n