The Art Of Moving On Ep6: Para Sa Aking Sarili

Published: Feb. 14, 2021, 10:18 p.m.

b'Gabi-gabi ko nalang naririnig ang tila isang boses,\\nBinabanggit ang ngalan ko ng maraming beses.\\nSa t\'wing hahakbang ako palapit sa tinig,\\nBiglang maglalaho hanggang sa \'di ko na ulit marinig.\\n\\nMay isang pagkakataon na siya\'y aking nakausap,\\nMalayo siya sa akin at tila ayaw humarap.\\nSubalit mababanaag sa bawat pagbigkas ang lungkot at pagsinghap,\\nTumatak sa akin ang kanyang linyang "hindi ko na siya mahanap".\\n\\nAko\'y napabalikwas at naalimpungatan,\\nMuli ko siyang narinig kaya\'t sinubukan ko s\'yang sulyapan.\\nSubalit sa aking pagmulat isang salamin ang aking nabungaran,\\nNakita ko ang sarili kong nakalutang sa kawalan.\\n\\nNaluha ako at sobrang kinilabutan,\\n\'Pagkat sa ilang taon na rin akong nakakulong sa sariling kalungkutan.\\nNagpalunod sa dilim hanggang sa hindi ko na namalayan,\\nNa pati sarili ko\'y aking pinabayaan at hinayaang ako\'y iwanan.\\n\\nSarili ko, patawad.\\n\\n-Sharmaine\\n\\n~ITO\'Y IYONG PAHINGAHAN~'