The Art Of Moving On Ep4: Pagtila ng Luha

Published: Feb. 9, 2021, 1:17 p.m.

b'Madilim ang langit.\\n\\nMukhang malungkot na naman ang kalangitan. Ibubuhos na naman niya ang mga luha sa daigdig at kawalan. Unti-unti nang nangingitim at nangangalaiti ang mga ulap. Marahil dahil sa galit o tindi ng emosyon na nararamdaman. Marahas din ang alon sa karagatan at ang pagdampi ng hangin sa mga kabahayan malapit sa dalampasigan. \\n\\nWalang duda bubuhos na talaga ang ulan.\\n\\nDahan-dahang pumapatak ang mga luha ng langit. Lumalakas ang kaniyang hikbi kasabay ang nakakatakot na tunog ng kulog at ang panandaliang gulat mula sa mga kidlat. Habang ibinubuhos ng mundo ang galit at lungkot sa sanlibutan, nanatili ako sa isang sulok malapit sa bintana, hinihipan ang mainit na kape at nag-iisip kung ano kaya ang susunod na mangyayari sa kwentong tinuldukan agad. Hindi pa nga nagsisimula, wakas na ang bubungad sa susunod na pahina. Walang kuwit ang makakapigil sa kagustuhan na umalis at tapusin ang salaysay kaya maguguluhan ka sa kakahanap kung saan ang dulo nito\\u2014o makakarating nga ba hanggang sa dulo.\\n\\nPatuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan at ang mga luhang lumalandas sa pisngi ay hinahayaan na lamang. Pinikit ko ng mariin ang mga mata at bumulong sa hangin. \\n\\n"Sana kasabay nang pagtigil ng ulan ay tumila na rin ang mga luha at ang damdamin ay tumahan. Puhon."\\n\\n\\u2014 Yugto | 2021\\n\\n***\\n\\nPagtila ng Luha | 08.09.20'